Inanunsiyo ng Lucky Me! sa official Facebook page ang pagbabalik ng dating noodles ng pancit canton. Same packaging sa current pancit canton version pero may nakasulat na “thinner noodles”. Sa ngayon ang dating noodles (thinner) ay mabibili lamang ngayon sa buong Luzon at Kalamansi flavor pa lang ang available. Maraming naging masaya sa comeback ng manipis na noodles ng pancit canton ng Lucky Me! kasali na ako dito.